LICENSURE EXAM FOR SOCIAL WORKERS SA MGA PINOY SA ABROAD, WALANG PUMASA

WALANG pumasa sa isinagawang Special Professional Licensure Exam (SPLE) for Social Workers na inialok ng Professional Regulation Commission sa mga overseas Filipino.

Ayon sa anunsyo ng PRC noong Lunes, isinagawa ang SPLE noong Hunyo 16 pero dalawa lamang ang kumuha ng eksaminasyon at sa kasamaang palad ay parehong hindi nakapasa. Inilabas ng PRC ang resulta noong Hulyo 8.

Noong nakaraan pang taon, pinalawak ng PRC ang kanilang serbisyo at nag-alok ng Special Professional Licensure Examinations for overseas Filipino workers sa nasa 29 na kurso sa 10 testing centers na nasa Singapore at Middle East.

Ang pagsasagawa ng SPLE ay alinsunod sa Executive Order No. 835.

Ang EO ay nag-aatas sa PRC at iba pang kaugnay na mga ahensya ng gobyerno sa pamamagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE), na magsagawa ng taunang SPLE sa Kingdom of Saudi Arabia, Qatar, United Arab Emirates (UAE) at iba pang mga bansa sa Middle East, para sa kapakinabangan ng mga kwalipikadong manggagawang Pilipino.

Bahagi ito ng kanilang mandato na magbigay ng serbisyo na mas malapit sa overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang mga komunidad, na makatitipid sa oras, mapagkukunan, transportasyon, at iba pang mga incidental na gastos ng mga kliyente. (NILOU DEL CARMEN)

27

Related posts

Leave a Comment