LIDER NG SIPADAN HOSTAGE-TAKING PATAY SA ENCOUNTER

talipao12

(NI BONG PAULO)

MULING umiskor ang mga sundalo matapos mapatay sa engkwentro ang isang lider ng bandidong Abu Sayyaf Group na responsable sa pangingidnap, sa nangyaring bakbakan sa Barangay Upper Binuang sa bayan ng Talipao, Sulu, Martes ng hapon.

Sa impormasyong nakarating kay Joint Task Force Sulu acting spokesperson Lt. Col. Ralf de Mesa, na-recover ang katawan ni Angah Ajid, kasama ang isa pa, matapos ang 10-minutong palitan ng putok sa pagitan ng mga sundalo at bandidong grupo, pasado alas-4:00 ng hapon.

Ang notoryus na suspek ay sangkot sa pagdukot sa 21 turista sa Sipadan, Borneo, 19 na taon na ang nakararaan.

Naganap ang engkwentro sa pagitan ng mga tauhan ng 2nd Special Forces Battalion at limang Abu Sayyaf members sa Barangay Upper Binuang matapos na magsumbong ang mga residente sa lugar hinggil sa namataang armadong kalalakihan sa lugar na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa.

Nasamsam naman ang ilang mga armas kagaya ng M14 rifle, isang M16 rifle at M203 grenade launcher.

259

Related posts

Leave a Comment