P12.2-B KALIWA DAM MATATAPOS SA 2022 — VELASCO

mwss12

(NI CHRISTIAN DALE)

HINDI aabot sa mahigit $800 million ang halaga ng Kaliwa Dam Project sa Infanta, Quezon.

Sa press briefing sa Malacanang, itinatwa ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Administrator Reynaldo Velasco na nasa $248 million  o P12.2 billion lamang ang halaga ng naturang proyekto.

Walang ideya si Velasco kung saan nanggaling ang ulat na aabot sa $800 million ang gagastusin para sa Kaliwa Dam.

Aniya, natapos na ang bidding ng proyekto.

Samantala, kumpiyansa si Velasco na matatapos ang Kaliwa Dam Project bago pa man matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

114

Related posts

Leave a Comment