MAG-ASAWA HINOLDAP NG HIRED DRIVER, 1 PATAY

NALIMAS na ang dalang P2,000,000 cash, namatay pa ang isang ginang habang sugatan ang kanyang mister nang pagsasaksakin sila ng taong inupahan nila para sila ipag-drive sa bayan ng Naic, Cavite, Huwebes ng madaling araw.

Kapwa isinugod sa ospital ang mag-asawang Czarri Marie Cantuba, 34, at Marlon Cantuba, 35, ng Candaba, Pampanga subalit namatay si Czarri dahil sa saksak sa leeg.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek na si Jomar Tambo y Domingo, 43, residente ng Malate, Maynila.

Ayon sa ulat ni Police Corporal Robinson Tercia ng Naic Municipal Police Station, inupahan ng mag-asawa ang suspek para ipagmaneho sila mula Pampanga patungong Naic para mamili ng frozen meat sa Cavite Technopark sa Sabang. Subalit, pagsapit sa Governor’s Drive, sakop ng Brgy. Sabang doon na isinagawa ng suspek ang plano at magkasunod na sinaksak ang mag-asawa saka tumakas dala ang dalawang milyong cash. (SIGFRED ADSUARA)

74

Related posts

Leave a Comment