MAG-ASAWA KINATAY NG SOLONG ANAK

CAVITE – Nangangamoy at tadtad ng saksak nang madiskubre ang bangkay ng mag-asawa na umano’y pinatay ng anak na may diperensiya sa pag-iisip nang pilitin umanong uminom ng gamot sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito.

Nakakulong na sa Alfonso Custodial Center at sinampahan ng kasong dalawang counts of parricide ang suspek na si Florito Credo, 35, binata, dahil sa pagpatay sa mga magulang niyang sina Rafaeleto Credo, 66, magsasaka, at Flora, 65, pawang mga residente ng Sitio Santonis, Brgy. Taywanak, Ilaya, Alfonso, Cavite.

Sa ulat ni P/MSgt. Dante Baje ng Alfonso Municipal Police Station, nadiskubre ang bangkay ng mga biktima, makaraang puntahan ng suspek ang kanyang mga kapitbahay at sinabing pinatay niya ang kanyang mga magulang gamit ang kutsilyo. (SIGFRED ADSUARA)

101

Related posts

Leave a Comment