MAG-ASAWA PATAY SA LAND DISPUTE

BUTUAN CITY – Dead on arrival sa pagamutan ang isang mag-asawa na dadalo sa ipinatawag na pagdinig sa barangay, nang tambangan ng hindi pa kilalang riding in tandem gunmen sa lungsod.

Ayon sa ulat ng Butuan City Police Office, namatay ang mag-asawa makaraang pagbabarilin sa loob ng kanilang sasakyan .

Lumitaw sa inisyal na pagsisiyasat, dadalo ang mga biktima sa pagdinig sa barangay hall subalit ipinagpaliban ito.

Bunsod nito, nagpasya ang mag-asawa na umuwi na lamang at habang binabaybay ang daan pabalik ay dinikitan sila ng hindi pa kilalang mga suspek na lulan ng motorsiklo.

Pagsapit sa Purok 5B sa Barangay Amparo ay saka pinagbabaril ng mga suspek ang mag-asawa,

Nagawa pang itakbo sa pagamutan nang dalawa subalit kapwa idineklarang dead on arrival.

Sinisilip ng mga imbestigador ang land dispute na isa sa pangunahing posibleng motibo sa krimen.

“Pine-prepare na ‘yung documents para sa filing ng kaso,” pahayag ni Butuan City Police Office chief PIO, Lt. Crispolo Alburo kasunod ng pahayag na may ‘persons of interest’ na silang tinututukan. (JESSE KABEL RUIZ)

27

Related posts

Leave a Comment