SUMUKO na, Biyernes ng umaga, si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo matapos isyuhan ng arrest warrant sa pagkamatay ni Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe at police escort.
Sinabi ni Col. Wilson Asueta, director ng Albay police, na si Baldo ay sumuko bandang alas-8:30 ng umaga sa Legazpi Regional Trial Court Branch 10, kasama ang kanyang pamilya at abogado.
Ang pagsuko ni Baldo ay tatlong araw bago ang May 13 elections.
Ang Legazpi Regional Trial Court Branch 10 din ang nag-isyu ng warrant laban sa mayor para sa double murder at attempted murder complaints.
“Ipapasok sa Legazpi City Jail si Mayor Baldo at ang arraignment ay itinakda sa Mayo 30,” ayon kay Asueta.
Si Baldo ang itinuturong utak sa pagkamatay ni Batocabe at police escort Senior Master Sergeant Orlando Diaz sa isang gift-giving event sa Daraga noong December 22.
131