MILF NAKIISA SA BRIGADA ESKWELA SA LANAO

balik12

(NI MICHAEL NAVARRO)

MUNAI Lanao del Norte — Nakiisa sa inilunsad na Brigada Eskwela ang MILF  sa pangunguna ni dating Moro Islamic Liberation Front (MILF) commander at ngayon ay Bangsamoro Transition Authority (BTA) member Hon. Abdullah Macapaar o mas kilala sa tawag na “Kumander Bravo”, kasama ang 4th Mechanized Infantry Battalion at ang Department of Education (DepEd) sa kanilang “Brigada Eskwela”.

Kasabay din ito ng paglulunsad ng Alternative Learning System (ALS) center sa Camp Bilal (Kora-kora), Barangay Tamparan, Munai Lanao del Norte noong Lunes.

Sa tema ngayong taon na “Matatag na Bayan para sa Maunlad na Paaralan” ng DepEd, katuwang ang mga sundalo,  ay nagdala sila ng mga upuan, school supplies, at mga construction materials para sa pagtatayo ng bagong Alternative Learning System Center.

Tumulong din ang mga sundalo sa pagpipintura, paggawa ng mga blackboard at pagtatanim ng mga halaman kasama ang mga estudyante ng ALS at si Lieutenant Colonel Bernardo Taqueban, ng  4th Mechanized Battalion commander, kasama si Kumander Bravo.

Ayon kay Kumander Bravo,“Yan din po ang  hangarin namin. Kasi ang gusto ng Presidente at ng chief minister ay kapayapaan. Paunlarin natin ang Mindanao, ibalik sa mga anak natin ang kapayapaan at iparamdam sa mga kabataan ang balik eskwela.”

227

Related posts

Leave a Comment