Nagdiwang ng Mother’s Day NIYAYA NI MISIS SA ILOG, MISTER NALUNOD

CAVITE – Humantong sa trahedya ang pagdiriwang ng mag-asawa sa Mother’s Day noong Linggo nang malunod sa ilog ang isang lalaki na niyayang maligo ng kanyang misis sa bayan ng Amadeo sa lalawigan noong Linggo ng hapon.

Isinugod pa sa Rural Health Center ng Amadeo ang biktimang si alyas “Ranel” subalit hindi umabot nang buhay.

Napag-alaman, bilang pagdiriwang sa Mother’s Day, niyaya umano ng ginang ang kanyang mister na maligo sa Biting Bayong river sa Brgy. Banay Banay, Amadeo, Cavite.

Ngunit habang naliligo ang dalawa, bigla umanong nagtungo ang biktima sa mataas na bahagi ng lugar at tumalon sa ilog hanggang sa nakita na lamang itong nalulunod bandang alas-2:00 ng hapon.

Sinaklolohan ang biktima ng mga kasama at isinugod sa ospital subalit idineklarang dead on arrival. (SIGFRED ADSUARA)

34

Related posts

Leave a Comment