NAGKASAGIAN NAUWI SA PATAYAN

MARILAO, BULACAN – Sabog ang bungo ng rider  makaraan barilin ito sa sentido ng hindi pa kilalang suspek na sakay ng kotse matapos na magkasagian ang mga ito kahapon.

Kinilala ang biktimang si Melchor Borja, 36-anyos habang nakaligtas naman ang kapatid nitong si Mario.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa McArthur Highway sa Barangay Abangan, Marilao, Bulacan nang magkabaanggan .

Batay sa kuwento Mario , angkas siya nang salpukin sila sa likuran ng suspek.

Pagbaba umano ng driver (suspek), sa halip na tingnan yung pagkabangga kung ano ang nasira, agad silang sinigawan at sinabihan na kasalanan nilang kung bakit ito nabangga.

Nagkaroon umano ng argumento ang dalawa at nagsalita umano ang suspek na dapat kilalanin muna sila bago makipagtalo.

Dagdag pa ni Mario, nang tanungin daw ng kaniyang kuya kung sino ang suspek, ay bigla nang bumunot ng baril ang suspek  sa sentido ang kanyang  kuya at maging siya ang ay binaril din ng suspek habang papatakas ngunit mabilis umano siyang  nakatakbo.

Sa kuha ng CCTV sa lugar, nakuha ang plate number ng sasakyan ng mga suspek ngunit nang beripikahin sa Land Trasportation Office, nalamang iba na ang nagmamay-ari ng naturang sasa-kyan matapos itong maibenta sa isang insurance company.

Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang follow-up operation ng pulisya upang alamin ang pagkaka-kilanlan ng suspek para  na rin sa agarang  ikadarakip nito at maging ang kasama nito sa sasakyan.

5

Related posts

Leave a Comment