NAGTALO SA TRABAHO, OBRERO TINARAKAN

CAVITE – Patay ang isang 36-anyos na construction worker nang pagsasaksakin ng kabaro makaraang magtalo dahil sa kanilang trabaho sa Gen. Trias City noong Linggo ng hapon.

Naisugod pa sa Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Ramos Brillo Satunero, stay- in sa construction barracks sa Brgy. Panungyanan, Gen. Trias City, subalit hindi umabot nang buhay dahil sa dalawang saksak sa dibdib.

Ayon sa ulat, dakong alas-5:50 ng hapon nang mangyari ang insidente nang magkayayaang mag-inuman ang mga construction worker sa kanilang barracks.

Sa kalagitnaan ng kanilang inuman, nagtalo ang suspek at ang biktima hinggil sa kanilang trabaho hanggang sa dumampot ng kutsilyo ang una at sinaksak ng dalawang beses si Brillo.

Agad namang nadakip ang suspek ng mga gwardiya ng construction site.

(SIGFRED ADSUARA)

56

Related posts

Leave a Comment