NATABUNANG KAPILYA HUHUKAYIN SA CAMSUR LANDSLIDE

CAM200

(NI JESSE KABEL)

INAASAHANG lolobo pa ang bilang ng mga nasawi sa naganap na pananalasa ng bagyong ‘Usman’ sa Pilipinas  dahil target nang pasukin ng iba’t ibang search and retrieval team ang mga isolated na lugar kabilang sa target ang lokasyon ng isang kapilya na ginawang evacuation areas subalit sinasabing natabunan din ng landslides sa Camarines Sur.

Kahapon sa official tally ng Death Matrix ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) umakyat na sa 85 ang bilang ng mga nasawi. Ayon kay National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) spokesperson Dr. Edgar Posadas, ito ang kanilang pinakahuling tala hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga.

Karamihan sa bilang na ito ay naitala sa Bicol region kung saan sa report ng NDRRMC ay nasa 68 na ang bilang ng mga nasawi bukod pa sa 15 nawawala mababa ng isa sa inilabs na pigura ng Office of Civil Defense Region 5 na 69 kamakalawa ng gabi .

Gayunman iginiit ng opisyal na walang kakulangan ang national government sa kabila ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga patay dahil sa sama ng panahon. Iginiit ni Posadas na ilang araw bago manalasa ang bagyo, makailang ulit umano na nagpaalala ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na magkaroon ng preemptive evacuation. Sa ngayon sinabi pa ni Posadas na umakyat na sa mahigit P342 million ang pinsalang iniwan ng bagyong ‘Usman’ sa Bicol region sa agricultural sector. (PHOTO BY: MYK ROME)

283

Related posts

Leave a Comment