NAWAWALANG CESSNA PLANE NAKITA NA

CESSNA8

SA kabunduan ng Hermosa sa Bataan natagpuan ang crash site ng isang Cessna plane na naunang nawawala mula pa noong Lunes.

Natuntom ang crash site ng magkasanib na puwersa ng Philippine Air Force, Philippine Army at Metro Bataan Development Authority Rescue Group sa kabundukan ng Malapad na Bato, Gasak Malamig, Mabiga Hulo sa nasabing bayan, Huwebes ng gabi, Ayon kay Bataan Police District, Senior Superintendent Marcelo Dayag,

Lulan umano sa Cessna plane na may tail number 152 RPC 2724 ang kapwa Indian national na si Capt. Navern Nagaraja, instructor pilot, at student pilot na si Kuldeep Singh.

Uumpisahan na ngayong araw ang gagawing retrieval operations.

90

Related posts

Leave a Comment