NPA LEADER BINIGYAN NG MAAYOS NA LIBING NG AFP 

afpnpa66

(NI AMIHAN SABILLO)

MAAYOS na libing ang ipinagkaloob ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa pamamagitan ng 75th Infantry “Marauder” Battalion (IB), katuwang ang Philippine National Police (PNP) at mga lokal na pamahalaan sa lider ng komunistang grupong Communist Party of the Philippines, New People’s Army (CPP-NPA) sa Agusan del Sur noong Sabado.

Kinilala ang napatay na NPA na si Roy Zala, squad leader ng humihinang pwersa ng Guerilla Front 14, North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC). Inilagak ang mga labi ni Zala sa Brgy Libertad Cemetery sa Bunawan, Agusan Del Sur.

Samantala, nagpahayag naman ng simpatiya at respeto ang mga opisyal ng tropa ng 75th IB kay Zala na biktima umano ng pekeng ideolohiya na ipinakakalat ng komunistang grupo. Maging ang Commanding Officer ng 75IB na si LTC Jaime Datuin ay nagbigay respeto din kay Zala kahit na ito ay kinokonsidera niya bilang kaaway.

Matatandaan na napatay si Zala ng mga tropa ng 75IB sa naganap na engkwentro kontra sa komunistang grupo na CPP-NPA noong Hulyo 13.

 

147

Related posts

Leave a Comment