OPISYAL NG VALENCIAL CITY NILIKIDA; P1-M REWARD INILAAN

bukidnon9

(NI JESSE KABEL)

DEAD-on-arrival sa pagamutan ang supervisor ng City Economic Enterprise Office ng Valencia City nang pagbabarilin ng riding in tandem, sa ulat ng pulisya, Sabado ng tanghali.

Sa paunang imbestigasyon nasawi sanhi ng multiple gun shot wounds ang biktimang si Ariel Cabingas. Dinikitan umano ng mga suspect ang pick-up truck ng biktima at nang huminto sa T.N. Pepito Street para ibaba ang kanyang misis sa trabaho ay agad na itong pinaputukan.

Ayon kay ni Supt. Ritchie Yandug, hepe ng Valencia City Police Station, “Dalawang beses na nagpaputok ng baril ang lalaking angkas ng motorsiklo.”

“Hindi pa ito nasiyahan ay binuksan pa niya ang pintuan ng sasakyan at patuloy na pinagbabaril ang biktima,” pahayag pa ng opisyal.

Iniutos na ang pagbuo ng Task Force Ariel Cabingas para mapabilis ang imbestigasyon sa kaso.

Habang naglaan naman ang local na pamahalaan ng P1-milyong pabuya sa kung sino man ang makapagbibigay ng impormasyon tungo sa ikadarakip ng mga suspek.

“We are extending all our help to the ongoing PNP investigation to ensure that the perpetrators of this dastardly murder will be identified, prosecuted and convicted,” pahayag ni Valencia City Mayor Azucena Huervas.

“May natanggap kami na impormasyon na dati pang nakakatanggap ng death threat si Cabingas. Pinakamalapit na motibo sa pamamaril na tinitingnan namin ngayon ay may kaugnayan sa trabaho,” dagdag ni Yandug.

76

Related posts

Leave a Comment