CAVITE – Tinatayang P95,817 cash ang tinangay ng isang outlet coordinator ng isang battery trading company, at nilustay sa online sabong sa Bacoor City, noong Martes ng gabi.
Kasong qualified theft ang kinahaharap ng arestadong suspek na si Christopher Ensomo y Alceso, 35, dahil sa reklamo ni Anne Jastine Estomo, 28, encoder/auditor ng Superdouble R Battery Trading.
Ayon sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga nang magtungo si Estomo sa kanilang tindahan sa 333, Net Square Building, Molino Boulevard, Brgy. Bayanan, Bacoor City at hiningi sa suspek ang remittance ng sales na nagkakahalaga ng P95,817 gayunman, wala itong maipakita.
Agad itong nagsagawa ng audit kung saan nalaman niya na ginamit ni Ensomo ang pera sa online sabong.
Agad itong ipinaalam ni Estomo sa may-ari ng kumpanya na agad namang ipinaaresto ang ang suspek.
(SIGFRED ADSUARA)
92