PADADA, DAVAO DEL SUR NASA STATE OF CALAMITY NA

(NI NICK ECHEVARRIA)

ISINAILALIM na sa state of calamity ang bayan ng Padada, Davao del Sur dahil sa tinamong grabeng pinsala dulot ng lindol.

Kasabay nito, tatlo na ang naitalang patay, anim ang nailigtas habang anim din ang patuloy na pinaghahanap sa gumuhong shopping center sa bayan ng Padada, Davao del Sur, matapos yanigin ng 6.9 magnitude na lindol ang nasabing lalawigan, Linggo ng hapon.

Ito ang kinumpirma ni Christopher Tan mula sa Padada Municipal Risk Reduction and Management Office.

Unang narekober ang balawang bangkay mula sa gumuhong Southern Trade Shopping Center pasado alas-10:00 ng umaga nitong Lunes na nakilalang sina Elsa Ababon, 52 at Vangie Artiaga, 67, asawa ng isang dating kapitan ng barangay, samantalang hindi pa makuha ang isa pang bangkay na nakita ng mga nagrespondeng tauhan ng Bureau of Fire Protection ng Padada.

“Mahirap po pumasok sa loob, nag aftershock eh, kakatapos lang ng dalawang aftershock, so yun ang nakakahamper sa operation, lumalabas yung mga rescuers natin, nagtutulungan na lang lahat ng rescuers para mailabas yung dalawa at hopefully yung isa pang bangkay,” saad ni Tan.

Bandang alas-4:16 ng madaling araw nang isagawa ang ang rescue operation mula sa gumuhong gusali matapos makapag-text ang isa mga na-trap na empleyado sa isang kaibigan nito.

Nasa maayos namang kalagayan na ang anim na nasagip mula sa gumuhong shopping center, ayon kay Tan.

Sa ngayon ay nasa apat na ang naitalang patay sa naganap na lindol matapos unang maiulat ang pagkamatay ng 6-anyos na bata sa Barangay Asinan, idagdag pa rito ang naunang 16 na sugatan na nabagsakan ng mga debris sa bayan gn Magsaysay, kung saan apat sa mga ito ang nagtamo ng major injuries habang ang 12 iba pa ay nagtamo lang ng minor injuries.

172

Related posts

Leave a Comment