PINTOR BUMULUSOK MULA SA ROOFTOP

CAVITE – Hindi umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 39-anyos na pintor nang nahulog mula sa rooftop ng isang gusali sa bayan ng Amadeo sa lalawigang ito.

Nalagutan ng hininga habang isinusugod sa Ospital ng Tagaytay ang biktimang si Samuel Anacta, may asawa, ng Phase 3, Brgy. Burol, Dasmarinas City.

Sa ulat ni P/SMSgt. Jon-Jon Pilapil ng Dasmarinas City Police, dakong alas-8:00 ng umaga noong Huwebes nang kontratahin ng biktima ang pagpipintura sa rooftop ng Dormitory Building ng Dom Geraldo Children Center and Formation Center sa Brgy. Salaban, Amadeo, Cavite.

Inakyat ng biktima ang rooftop ng dalawang palapag na gusali nang walang safety gear ngunit nadulas habang nagpipintura at nahulog na nagresulta sa kanyang kamatayan. (SIGFRED ADSUARA)

66

Related posts

Leave a Comment