PNP KINALAMPAG SA PAMAMASLANG SA MAGSASAKA

Rep Argel Cabatbat

NAIS ipasiguro sa pulisya ng isang mambabatas ang kapakanan at kaligtasan ng maliliit na magsasaka kasunod ng pamamaslang sa 35-anyos na si Andy Rivera sa Guimba, Nueva Ecija nitong bagong taon.

Kilala umanong mabuting residente sa kanilang barangay si Rivera na isang small time farmer at walang criminal records kaya malaking palaisipan para kay Magsasaka Party-list Rep. Argel Cabatbat kung bakit ito pinatay.

Ayon kay Rep. Cabatbat, nakaaalarma ang mga nangyayaring pagpatay sa hanay ng mga magsasaka partikular iyong maliliit na halos sa kanilang sinasaka umaasa ng ikabubuhay.

Idinagdag ng mambabatas na napapanahon na para matuldukan ang mga pagpatay kaya nararapat lamang na kumilos ang mga ahensiya ng gobyerno partikular ang Philippine National Police (PNP) at iba pang nakapaloob sa usapin ng kaligtasan at katahimikan.

Binanggit pa ni Cabatbat na ayon sa talaan mula sa Pan Asia-Pacific, isang International Human Rights Group, na ang Pilipinas ang nangunguna sa talaan ng maraming pinapatay na magsasaka at ilang land activist at nasa ikatlong taon nang hawak ng bansa ang nasabing titulo.

“After the storm and drive to poverty that the Rice Tariffication Law brought to thousands of Filipino farmers last year, many families – Andy Rivera’s included – will face another blow: the loss of a provider and a loved one,” ani Cabatbat. (CESAR BARQUILLA)

325

Related posts

Leave a Comment