PNPA VALEDICTORIAN BINIGYAN NG BAHAY NI DU30

pnpa123

(NI BETH JULIAN)

PINAGKALOOBAN ng bahay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang valedictorian ng Philippine National Police Academy ngayong 2019.

Si Cdt. Jervin Allen Ramos, residente ng Tondo, na top 3 sa Criminologist Licensure Examination ang naging valedictorian ng Sansiklab Class of 2019.

Nagpasalamat naman sa Pangulo si Ramos.

Anim sa top 10 ng Sansiklab Clasa ay pawang mga babaeng kadete.

Bukod kay Pangulong Duterte, dumalo rin sa graduation ceremony ng PNPA sa Camp General Mariano Castaneda sa Silang, Cavite si Vice President Leni Robredo.

Aabot sa 201 mga kadete ang nagtapos nitong Biyernes kung saan 138 rito ay magiging kasapi ng PNP, 22 ay magiging miyembro ng BJMP at 41 sa BFP habang 22 sa BJMP.

Tatlo sa top 10 dito ay anak ng magsasaka habang isa naman ay itinaguyod ang sarili dahil ulilang lubos na.

Ang Sansiklab ay may kahulugana ‘Sandigan ng Mamamaya na may Sigasig na itaguyod ang kapatapaan at ipaglaban ang Bayan’.

Ang seremonya na pinangunahan ng Pangulo ay may temang ‘Bagong Henerasyong Tagapagtanggol: Adhikain ay Kapayapaan ng Bayan Tungo sa Isang Maunlad na Pamayanan.”

Ginawaran ng Pangulo si Ramos ng Presidential Kampilan award.

Si Cdt.Merrifien Carisusa naman ang class salutatorian ng batch.

Walo pang natatanging kadete ang binigyan din ng parangal na kinilalang sina Cdt. Mary Grace Pabilario; Cdt. Ferdinand Mark Lagchana; Cdt. Christian Albus; Cdt. Janila Andrea Garan; Cdt. Clara Ley Capule; Cdt. Mary Ann delos Santos, Cdt. Anna May Mangabo at Cdt. Salvador Pidaoan.

108

Related posts

Leave a Comment