PUMALAG SA 14-ANYOS SINAKSAK

QUEZON – Nasa kustodiya ng pulisya ang isang 14-anyos na binatilyo makaraang saksakin at tangkaing halayin ang 24-anyos niyang kapitbahay sa bayan ng Real sa lalawigang ito, noong Huwebes ng madaling araw.

Batay sa pahayag sa pulisya ng 24-anyos na biktimang si Jenny Rose Sarte, dakong alas-2:00 ng madaling araw, habang natutulog siya sa kanilang bahay nang magising siyang may humihimas sa kanyang kaselanan.

Nang idilat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya ang suspek sa kanyang tabi kaya pinagmumura niya ngunit siya ay pinagsasaksak at pagkaraan ay mabilis na tumakas.

Agad isinugod sa ospital ang biktimang may mga tama ng saksak sa ulo at kamay.

Mabilis na nadakip ng mga barangay tanod ang binatilyo na dinala sa himpilan ng pulisya at nakatakdang i-turn-over sa DSWD dahil sa pagiging menor de edad. (NILOU DEL CARMEN)

65

Related posts

Leave a Comment