RELIEF SUPPLIES SA APEKTADO NG LINDOL SAPAT — DSWD

(NI KIKO CUETO)

TINIYAK ng social welfare department na may sapat silang mga relief supplies para tugunan ang pangangailangan ng mga tinamaan ng lindol sa Soccsksargen at Davao, kung saan 22 na ang namatay dahil sa serye ng malalakas na lindol mula noong October 16.

May mga mobile storage units, isang mula sa United Nations World Food Programme, na may kapasidad ng 1,600 cubic metric tons ng goods ang inilagay sa Kidapawan City, Cotabato, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Naglagay na rin ng community kitchen sa Barangay Masilasa, Makilala.

Sinabi ng DSWD na sa ngayon ay may P6 million na halaga ng tulong sa 29,349 na pamilya o 146,745 na indibidwal mula sa 149 barangays sa dalawang rehiyon ang kanilang natulungan.

Aabot naman sa 4,127 families o 20,635 na tao ang nakatira sa 27 evacuation centers, habang 1,370 families o 6,850 na tao ang nasa kanilang mga kaanak o kaibigan.

Ang naitala ng DSWD na sirang bahay ay aabot sa 20,913 habang 6,397 ang partially damaged na mga bahay.

Nakipagkoordina na ang DSWD sa military, Philippine Coast Guard at Philippine Air Force para sa paghahatid ng mga relief goods.

 

318

Related posts

Leave a Comment