RIDER BINOGA SA ULO NG NAKAMOTORSIKLO

CAVITE – Patay ang isang motorcycle rider makaraang barilin sa ulo ng kapwa niya nakamotorsiklo sa Dasmariñas City noong Sabado ng hapon.

Dead on the spot ang biktimang si alyas “Miguel” dahil sa tama ng bala sa ulo makaraang paputukan ng hindi pa nakikilalang motorcycle rider na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa ulat, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo habang binabagtas ang Sitio Pook, Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City nang dikitan siya ng suspek at walang sabi-sabing binaril sa ulo bandang alas-2:43 ng hapon.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek sa ‘di nabatid na direksyon.

Patuloy ang isinasagawang backtracking ng pulisya sa closed circuit television (CCTV) para sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek at sa mga dinaanan nito. (SIGFRED ADSUARA)

34

Related posts

Leave a Comment