RIDER UMIWAS SA CHECKPOINT, BUKING SA BARIL

CAVITE – Buking ang isang .45 kalibreng baril sa isang rider nang tumangging painspeksyon sa isang checkpoint matapos ipaharurot ang kanyang motorsiklo sa Gen. Trias City noong Lunes ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 4136 ng Revised Penal Code o laws relative to Land Transportation and Traffic Rules, to create a Land Transportation Commission and for other purposes, at RA10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek na si alyas “Edmund”.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng “Oplan Sita” ang mga operatiba ng Gen. Trias Component City Police Station sa isang checkpoint sa Gov. Ferrer Drive sa Brgy. Tapia, Gen. Trias City, Cavite bandang alas-10:00 ng gabi nang parahin nila ang minamanehong motorsiklo ng suspek na may plakang 2698 para inspeksiyunin.

Ngunit imbes na tumigil, pinihit nito ang kanyang motorsiklo at tumakas kaya nagkaroon ng habulan hanggang sa nasakote ito.

Nang itanong ang dokumento ng sasakyan ay binuksan nito ang kanyang dalang bag kung saan nakita ang isang .45 kalibreng baril, nagresulta sa pagdakip ng mga awtoridad sa suspek. (SIGFRED ADSUARA)

6

Related posts

Leave a Comment