(Ni FRANCIS SORIANO)
AARANGKADA na araw ng Lunes at tatagal hanggang April 12 ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at US Armed Forces (USAF) Balikatan 2019 joint military exercises na gaganapin sa ilang piling lugar sa bansa.
Ayon kay Lt. Commander Liz Vidallon, Public Information Officer ng RP-US Balikatan 2019, ang military exercise ay mayroong live fire drill na gaganapin sa Capas, Tarlac
Kasama rin ang amphibious landing exercise, urban operations, aviation operations at counter-intelligence response na gaganapin naman sa lalawigan ng Zambales, Palawan at piling lugar.
Habang nauna rito ang humanitarian activities at civic assistance projects, ang naturang Balikatan exercise ay taunang ginaganap sa mga bansa na kaalyansa ng Amerika.
422