BULLY NI ANGEL LOCSIN NAG-SORRY

angellocsin12

Lingid sa kaalaman ng marami ay na-bully pala ang aktres noong nasa high school siya. Ito ay ibinahagi niya sa social media account niya noong Biyernes.

Hindi niya pinangalanan ang classmate na humingi ng tawad sa kanya, pero pinost niya ang private message nito: “Hi, Angel, you probably don’t remember me but I used to not like you back in USTHS. I remember I bullied you before… I want to say I am sorry. I want you to know that I am extremely amazed by how good an actress you are! Congratulations… I am a fan now!”

Sinagot ito ni Angel ng: “Hello! Mga bata pa tayo noon. Your message made me smile. Salamat. Pasensiya na rin kung may nagawa ako para hindi mo ako magustuhan. Sabi nga nila, it takes two to tango. Ingat lagi!”

Nag-iwan pa ng payo ang aktres as followers: “If you have the chance to apologize to someone you’ve hurt, take it. And if someone asks for your forgiveness, give it to them. In either case, if your efforts are sincere, you’ll never regret it.”

219

Related posts

Leave a Comment