Sa pagsasara ng Kalangitan landfill CENTRAL-NORTHERN LUZON, METRO MANILA BABAHO

CLARK FIELD – Nangangamba ang 15 milyong katao sa Central at Northern Luzon gayundin sa Metro Manila sa napipintong massive garbage crisis na magdudulot ng pagbaho at major health crisis kaugnay ng planong pagpapasara ng sanitary landfill na nakabase sa Capas, Tarlac.

Ito ang ibinunyag ng mga galit na grupo ng mga hospital at toxic waste treaters na ikinatatakot ang posibleng pagka-expose sa health hazards ng mga pasyente mula sa mahigit 1,000 ospital gayundin sa maliliit na clinic, kabilang na ang mga nagtatrabaho rito sakaling tuluyan nang ipasara ang Kalangitan sanitary landfill.

Anila, kapag wala nang humakot at paglagyan ang mga basura sa mga ospital at mga kabahayan ay tuluyan itong mabubulok, babaho at magdudulot ng masamang epekto sa kalusugan ng mga tao.

Sa isang diyalogo nitong nakaraang Biyernes, sinabi ni ni Danny Abadilla, presidente ng Clark Sanitation Services, ang planong pagpapasara sa tinaguriang lone engineered toxic waste sanitary landfill site sa Oktubre ay nangangahulugan ng pagka-imbak ng uncollected hospital waste na anila’y “stuck and helpless” para sa libo-libong ospital sa Central-Northern Luzon at Metro Manila.

“The looming garbage crisis in Central and Northern Luzon regions will not only affect households and industries but will certainly pose major health problems as soon as the government’s plan to close down the engineered sanitary landfill in Capas is implemented”

“It’s (Kalangitan landfill) immediate closure is a helpless situation. We cannot collect and process medical and hospital wastes if there are no available and fully compliant sanitary landfills where we could dispose of treated wastes,” ayon kay Abadilla.

Ayon pa kay Abadilla, karamihan sa hospital wastes na nagmumula sa nabanggit na mga rehiyon, Metro Manila, Cavite, Laguna, at sa gawing Palawan, ay ginagamot sa kanilang recovery facility bago dalhin sa Kalangitan Sanitary Landfill na tanging waste facility na accredited ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ang pagpapahinto ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at Clark Development Corporation (CDC) sa koleksyon ng hospital wastes ay inaasahang makakaapekto sa mga pasyente, personnel sa mga hospital, at sa komunidad.

Ang Kalangitan Sanitary Landfill na pinamamahalaan ng Metro Clark Waste Management Corporation (MCWMC) sa ilalim ng 25-year contract kasama ang state-run Clark Development Corporation (CDC), ay inaasahan na ipatitigil ang operasyon sa Oktubre 5 nang walang malinaw na alternatibong lugar ng paglilipatan. ELOISA SILVERIO)

149

Related posts

Leave a Comment