SANGGOL NABITIWAN NG INA, PATAY

ILOCOS Sur – Basag ang bungo ng isang 2-buwang gulang na sanggol makaraang mabitiwan ng ina nang mawalan ng balanse sa kanyang kinauupuan habang sakay ng kurong-kurong, iniulat nitong Martes ng umaga sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang sanggol na si Jelyn Munar habang ang ina ay si Elena Manuela, taga Bautista, Caba, La Union.

Batay sa report ng Ilocos Sur PNP, nangyari ang insidente sa national highway ng Barangay Magsaysay, Santa Cruz, Ilocos Sur.

Lumabas sa imbestigasyon, minamaneho ni Geralbie Bodaño Manuel, 39-anyos, ang kurong-kurong habang sakay ang mag-ina na nakaupo lamang sa plastic na upuan.

Patungo sa Barangay Paoa, Vigan City, Ilocos Sur ang mag-ina ngunit pagsapit sa pakurbadang bahagi ng nasabing lugar biglang mawalan ng balanse si Geralbie sa manibela.

Dahil dito, nabitiwan ni Elena ang anak at tumilapon sa kalsada dahilan nang matinding pinsala sa ulo at katawan.

Agad dinala sa pinakamalapit na ospital ang mga biktima ngunit kalaunan ay inilipat sa Ilocos Sur Provincial Hospital-Gabriela Silang ngunit idineklarang patay na ang sanggol. (ANNIE PINEDA)

87

Related posts

Leave a Comment