SARANGGANI NIYANIG NG 5.4 QUAKE

(NI ABBY MENDOZA)

TUMAMA ang isang magnitude 5.4 quake kanina sa Davao Occidental, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, asahan ang aftershocks dala ng naganap na lindol.

Sa datos ng Phivolcs alas 3:00 ng hapon naramdaman ang pagyanig na ang sentro ay sa bayan ng Saranggani.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 24km.

Naramdaman din ang Intensity 1 sa Alabel, Saranggani at sa General Santos City.

Walang inaasahang pinsala sa naganap na lindol.

 

 

394

Related posts

Leave a Comment