SHIPSIDE SMUGGLING; P2-B DROGA GALING SA ‘GOLDEN TRIANGLE’

cavite3001

GALING umano ang halos P2 bilyong halaga ng droga sa ‘Golden Triangle’ na nagsasagawa ng operasyon sa border ng Laos, Thailand at Myanmar at shipside smuggling naman ipinapasa sa pagpasok sa bansa.

Iitinatapon sa dagat ang mga kontrabando mula sa malalaking barko at pinupulot naman ng maliliit na vessels saka dinadala sa mga dalampasigan ng Pilipinas.

Ito ang ibinunyag ni PDEA Director General Aaron Aquino matapos matunton ang bodegang pinagtataguan ng mga kontrabando sa Cavite at mapatay ang dalawang Chinese na nagmamantine nito.

“Ang duda namin banda dito sa Region 1 ginagawa ito at ito’y binabiyahe na lang papuntang Cavite. From Cavite kasi, yung proximity, mas malapit sa Metro Manila so ‘yun ang nakikita nilang paraan para mas lumapit at ma-market at i-distribute itong ilegal na droga sa NCR,” sabi ni Aquino.

Idinagdag pa nito na ang Golden Triangle syndicate ay masigasig sa pagdadala ng droga sa bansa kung saan shipside smuggling ang istilo matapos maghigpit ang awtoridad sa pagbabantay sa airport at seaport.

“Sila rin ang nagpapasok ng drugs from Mindanao kaya makikita mo, medyo mura ang drugs sa Mindanao kasi ginagamit nila ang Sulu Sea. Ang drugs nanggagaling either sa Malaysia, Indonesia, Thailand—grupo pa rin ng Golden Triangle—at binabiyahe papasok ng Zamboanga. From Zamboanga, idi-distribute na ‘yan sa Cagayan de Oro, Cebu, and all other parts of Visayas and Mindanao. Karamihan, ang iba pumasok din dito sa Metro Manila,” he said.

Hinihinala rin ni Aquino na ang grupo na nagsasagawa ng operasyon sa Cavite warehouse ay konektado sa grupo sa likkod ng shabu laboratory sa Ibaan, Batangas kung saan apat na Chinese naman ang inaresto.

212

Related posts

Leave a Comment