SUPPLY NG TUBIG SA IRIGASYON SA CENTRAL LUZON BINAWASAN

irigasyon12

(NI JEDI PIA REYES)

BINAWASAN ng National Irrigation Authority (NIA) sa Central Luzon ang dami ng tubig na ipinalalabas nito para sa irigasyon ng mga sakahan sa Bulacan at Pampanga.

Bunsod ito ng patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam sa gitna ng nararanasang El Nino phenomenon o tagtuyot.

Ayon kay NIA-Bulacan director Felix Robles, aabot na lang sa 35 cubic meters per second (m3/s) mula sa dating 40 m3/s ang irigasyon para sa libu-libong ektarya ng sakahan sa dalawang lalawigan.

Pero tiniyak ni Robles na sapat pa rin ang nasabing alokasyon para masuplayan ng tubig ang may 27,000 ektarya ng taniman.

Gayunman, sakaling magpatuloy ang epekto ng dry spell ay posibleng tuluyang ipatigil ang irigasyon sa Bulacan at Pampanga upang matugunan ang pangangailangan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

Nauna nang inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na aabot na sa tinatayang 164,000 magsasaka sa buong bansa ang apektado ng tagtuyot.

Kabilang sa mga lugar na matinding napinsala ay ang Cordillera Administrative Region, Ilocos, Cagayan Valley, Central, Calabarzon (Region 4-A), Mimaropa (Region 4-B), Western at Eastern Visayas, Western at Northern Mindanao, Davao Region, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Mahigit na sa P5 bilyon ang halaga ng pinsala sa mga produktong pang-agrikultura.

 

643

Related posts

Leave a Comment