SUSPEK SA PAGPATAY SA ABC PRES, BANTAY-SARADO SA OSPITAL

ABC PREXY KILLER-2

(Ni NILOU DEL CARMEN)

BANTAY-SARADO sa ospital ang sinasabing suspek sa pagpatay sa presidente ng Association of Barangay Captains (ABC) ng Lipa City na si Marlon Luancing na pinagbabaril sa sabungan noong Biyernes ng gabi.

Naaresto ang suspek na nakilalang si Venrose Cortez at ang kanyang tatay sa Silang Specialists Medical Center sa Silang, Cavite kung saan ito isinugod ng kanyang tatay matapos na masugatan nang makipagbarilan sa pulis.

Sabado ng madaling araw nang ipasok ang suspek sa ospital na ayon sa kanyang tatay ay nabiktima umano ng holdap sa bayan ng Carmona.

Subalit ng beripakahin ng mga pulis, natuklasang walang naganap na insidente ng holdapan sa nasabing bayan nang mga ganoong oras.

Nakita naman sa CCTV footage ng sabungan ang tatay ng suspek na tila look-out sa krimen.

Ayon naman kay Senior Supt. Edwin Quilates, director ng Batangas PNP, posibleng matukoy ng otoridad ang mastermind ng krimen dahil sa pagkakasakote ng gunman.

19

Related posts

Leave a Comment