TEENAGER HULI SA 2 KILO NG SHABU

NADAKIP ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas (PDEA-7), ang isang teenager makaraang makumpiskahan ng P13.6 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang anti-narcotics operation sa Mandaue City nitong nakalipas na linggo.

Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, nakumpiska mula sa 17-anyos na drug personality sa bayan ng Ubay sa Bohol, ang dalawang kilo ng shabu.

Ayon kay Leia Alcantara, information officer ng PDEA-7, inilagay ng ahensya ang suspek sa isang case buildup sa loob ng dalawang linggo at matapos magpositibo ang kanilang intelligence gathering sa kanilang itinuturing na bagong player sa drug industry, ay ikinasa na ang buy-bust operation.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang suspek na pansamantalang nakadetine sa PDEA 7 Detention Facilities. (JESSE KABEL RUIZ)

165

Related posts

Leave a Comment