TRANSAKSIYON SA DAGAT: P1.9-B SHABU NASAMSAM

dagat

(NINA DAVE MEDINA, JESSE KABEL/ROSS CORTEZ)

NASAKOTE ng Phillipine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P 1.9 bilyong halaga ng shabu at humigit kumulang sa 274 kilo, sa isang buy bust operation sa Barangay Amaya 1,  Anterio Soriano Highway, Tanza Cavite Linggo ng alas-4:00 ng hapon.

Magkasanib ang isinagawang operasyon ng PDEA 4A na pinamumunuan ni DIR 3 Adrian G Alvarino,  PDEA IIS sa  liderato ni Dir 2 Jigger Montallana, PDEA NCR na pinamunuan ni DIR 3 Joel Plaza, sa koordinasyon sa ISAFP, Task Force Noah, NISF, at PNP sa direktang  superbisyon ni PDEA DDGO Atty Ruel M Lasala, ay isinakatuparan ang buy bust operation laban sa mga Chinese national na sina  Vincent Du Lim at  Hong Li Wen na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang suspek.

Agad bumunot ng baril ang mga suspek nang makatunog na mga pulis ang ka-transaksiyon at nakipagbarilan sa mga operatiba.

Bumulagta  ang dalawang suspek matapos ang putukan.  Narekober rin ang ilang celphone at digital weighing scale at dalawang kalibre ng baril.

Sa dagat umano idinaraan ang mga narekober na shabu bago ipinasok sa bodega, napag-alaman rin na tatlong buwan pa lang na naupa sa bodega ang mga suspek.

 

146

Related posts

Leave a Comment