TRIBAL CHIEFTAIN NILIKIDA

AGUSAN del Sur – Nalagutan ng hininga ang isang pinuno ng tribal group makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa bayan ng Trento sa lalawigang ito, iniulat ng pulisya nitong Martes.

Inaalam pa ng mga tauhan ng Trento Municipal Police Station ang pagkakakilanlan ng mga suspek na responsable sa krimen.

Kinilala ng mga awtoridad biktimang si Romulo Duron, residente sa Purok 7, Brgy. Paradise ng nasabing bayan, tribal chieftain ng Sta. Josefa, Agusan Del Sur.

Ayon sa ulat, pinagbabaril ng mga suspek na nakasuot ng ski-mask. sa likurang bahagi ng ulo ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Ayon kay P/Maj. Regino Precioso Jr., hepe ng Trento Municipal Police Station, inaalam pa kung may kaugnayan sa kasong isinampa sa korte ng biktima ang motibo sa pamamaril o resulta ito ng matandang alitan.

Nabatid, bago ang insidente, nakatakdang dumalo ang biktima sa promulgasyon ng kasong isinampa niya sa korte na siya ang nanalo. (JESSE KABEL)

60

Related posts

Leave a Comment