TRIKE DRIVER NA NAKIALAM SA AWAY, NAPATAY

CAVITE – Nalagutan ng hininga ang isang 29-anyos na tricycle driver nang hatawin ng baseball bat ng kapitbahay makaraang sumawsaw sa away ng pamangkin ng biktima at kapatid ng suspek sa Cavite City sa lalawigang ito.

Idineklarang dead on arrival sa Cavite Lying-in clinic ang biktimang si Lorence Angeles, binata, ng Brgy. 42 M, San Antonio, Cavite City habang arestado naman ang suspek na si Juan Libria, 45, isang construction worker at kapitbahay ng biktima.

Sa ulat ni P/SSgt. Armangel Genuino ng Cavite City Police Station, dakong alas-6:45 noong Miyerkoles ng gabi nang mangyari ang insidente sa Brgy 42 M, ng naturang lungsod nang mag-away ang pamangkin ng biktima at kapatid ng suspek dahil umano sa kutson.

Nakisali umano ang biktima sa nasabing away naging dahilan upang sumawsaw rin ang suspek na humantong sa kanilang suntukan.

Inawat ang dalawa ng kanilang mga kapitbahay ngunit nang umuwi ang biktima ay bumalik itong armado ng kutsilyo at sinugod ng saksak ang suspek.

Gayunman, sinalubong ng suspek at hinataw ng baseball bat ang biktima na naging dahilan ng pagkamatay nito. (SIGFRED ADSUARA)

69

Related posts

Leave a Comment