LEYTE – Patay ang isang barangay chairman makaraang pagbabarilin ng dalawang lalaking nakasuot ng facemask, iniulat nitong Sabado ng umaga sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktimang si Noel Alvarado Oranio, 48-anyos, residente ng Barangay Onion, Mahaplag, Leyte.
Batay sa report ng Baybay City Police Station, nangyari ang insidente sa Sitio Lawis, Barangay Palhi, Baybay City, Leyte
Lumabas sa imbestigasyon, sakay ang biktima ng kanyang Isuzu Dmax at habang binabaybay ang naturang lugar, bigla na lamang itong pinaulanan ng bala ng mga suspek.
Tinamaan ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na agad nitong ikinamatay habang mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente. (ANNIE PINEDA)
138