UNITY WALK VS PAYAPANG HALALAN

unity

(NI ROSS CORTEZ)

MATAPOS mangarag sa puyat sanhi ng inilatag na Comelec checkpoint Linggo ng hatinggabi, tuluy-tuloy na inilarga ng Bacoor Police sa Cavite ang Unity Walk at Interfaith Rally bilang bahagi sa pagpapakita nila at paghahangad ng isang mapayapa at maayos na midterm election sa darating na Mayo
Kabilang sa mga naglakad sa Unity Walk ang mga pulis, barangay tanod, non government organization, force multiplier at mga estudyante
Isa-isa namang nagsalita, nanalangin at nagpahayag ng pagsuporta ang mga pastor at lider ng Muslim Community sa lungsod ng Bacoor, Cavite
Iisa ang hangad ng lahat; mapayapa at maayos na eleksyon sa darating na Mayo
Nais na ring iwaksi ng mga Bacooreño ang mga pangit na pangyayari sa mga nakalipas na eleksyon sa lungsod kung saan naging madugo at ilang buhay ang nabuwis
Sa nagkakaisang tinig sa panalangin, naniniwala ang mga ito na tutugunin ng Diyos ang hangad nilang mangyari sa midterm election at maiupo ang mga karapat dapat sa kapangyarihan

165

Related posts

Leave a Comment