(NI BONG PAULO)
NAHAHARAP ngayon sa kasong paglabag sa Section 4 ng Republic Act 10168 o “Crime of Financing Terrorism” ang isa sa mga tumatakbo sa pagka bise alkalde ng Shariff Aguak, Maguindanao, ayon sa ulat Linggo ng hapon.
Sa subpoena na inilabas ni Maguindanao Provincial Prosecutor Rohaira Lao, binibigyan nito ng 10 araw ang respondent na si dating ARMM HELPS Program Manager Anwar Upahm para makapagsumite ng kanyang counter affidavit.
Ang subpoena na inilabas noong March 7, 2019 ay bunsod ng inihaing reklamo ng isang Jeyhar Upahm laban sa akusadong si Anwar hinggil sa umano ay pagkakanlong at pagbibigay nito ng tulong pinansyal sa mga itinuturing na terorista at kalaban ng pamahalaan.
Sa ipinadalang larawan sa korte bilang ebidensya, makikita si na kasama si BIFF commander Samad Simpal.
Hinihintay na lamang ngayon ng korte ang magiging tugon ni Anwar sa mga akusasyon laban sa kanya kasama ang mga sinumpaang salaysay ng kanyang mga testigo.
152