PROBLEMA SA BALIKBAYAN BOXES IPAMAHALA KAY DIR. AGUILAR NG DMW

RAPIDO NI PATRICK TULFO

KUNG bubuo ng isang departamento ang Department of Migrant Workers na hahawak sa problema ng mga nawawalang padalang balikbayan boxes ng ating mga kababayang overseas Filipino workers (OFWs) dapat ibigay ang pamamahala dito kay Dir. Francisco “Jun” Aguilar dahil kwalipikado itong pamunuan ang nasabing departamento.

Bago pa man napasok sa gobyerno si Dir. Aguilar ay matagal din itong naging OFW sa Saudi Arabia bago ito bumalik sa bansa at nagtayo ng kanyang sariling negosyo.

Nagtrabaho rin ito sa Kamara bago siya kinuha ng unang kalihim ng DMW na si Sec. Susan “Toots” Ople na pumanaw na dahil sa sakit na cancer.

Una po naming nakilala at nakausap si Director Aguilar nitong nakaraang taon matapos kaming ituro dito ng opisina ni Sec. Hans Cacdac ukol sa reklamong inilapit namin sa kanya na may kinalaman din sa balikbayan boxes.

Nakita ko po na magandang makipag-usap si Dir. Aguilar sa mga OFWs na nasa kanyang opisina noong araw na kami ay nagtungo dito.

Muling nagkrus ang aming mga landas dahil naman sa reklamo ng ating kababayang OFWs, mula Kuwait na inabandona na ng kanilang pinagpadalhan ng mga balikbayan box na Tag Cargo.

Pinuntahan namin si Dir. Jun Aguilar matapos na malaman namin na idodonate na lang Bureau of Customs sa DMW ang mga abandonadong balikbayan boxes mula Kuwait.

Sa inisyal na pakikipag-usap namin kay Dir. Aguilar sa huling bahagi ng nakaraang taon, nagtugma ang aming hangarin na dapat na ipadala sa mga may-ari ang mga kahon at huwag nang ipakuha ito sa kanila.

Ayon kay Dir. Aguilar, kawawa naman ang mga OFW na biktima ng panloloko kung sila pa ang kukuha ng kanilang mga kahon na nabayaran na nila sa cargo forwarder.

Isa si Dir. Aguilar ngayon sa mga nangunguna sa napipintong distribusyon ng mga Tag Cargo balikbayan boxes na malapit na lang ilabas sa Davao port at Manila International Container Port

70

Related posts

Leave a Comment