Publiko hinimok makiisa KATIWALIAN ISUMBONG -PDUTERTE

HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang publiko na i-report ang korapsyon sa mga ahensiya ng pamahalaan at magbigay ng makatutulong na impormasyon sa awtoridad.

Sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga tipster ay makatatanggap ng gantimpala mula sa pamahalaan.

Sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito na ang petty graft ay “perpetuated almost everywhere” ng ilang corrupt employees sa gobyerno.

“Iyong mga nasa window ng business permit, ‘yang mga clearances, papahirapan ang tao kaya ang sabi ko sa inyo, if you want to earn money, good money, ‘pag maganda ang kaso, malaki ang lugi sa gobyerno, report it to the person that you trust without giving your name and number,” ayon kay Pangulong Duterte.

“Ang hinihingi ko lang ang opisina at kung magkano, ako na ang mag-follow-up at tsaka ‘yong medyo maliliit, P10,000,” dagdag na pahayag nito.

Binalaan naman ng Punong Ehekutibo ang mamamayan na tigilan ang corrupt practices sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“Huminto talaga kayo maski ngayon lang. Next administration, fine, balik kayo sa dati, wala akong pakialam pero sa ngayon, ‘wag kayo maghinanakit, ‘wag kayo magalit sa akin kasi ako galit din sa inyo,” anito. (CHRISTIAN DALE)

203

Related posts

Leave a Comment