PULIS PATAY SA BOC EMPLOYEE

patay

PATAY ang isang miyembro ng District Headquarters Support Unit ng Quezon City Police District makaraang barilin ng isang kawani ng Bureau of Customs sa Gate 3, South Harbor, Brgy. 651, Port Area, Manila noong Sabado ng gabi.

Idineklarang dead on arrival sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si P/EMS Celedonio Cauceran Jr.,

residente ng Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Kusang loob namang sumuko sa Manila Police District-Station 13 ang suspek na kinilalang si Elizer Mangili y Layag, 36, binata, Intel Officer 1 CIIS  ng BOC sa naturang lugar.

Base sa ulat na isinumite ni P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng MPD- Homicide Section, bandang alas-9:40 ng gabi nang mangyari ang insidente sa loob ng Customs Intelligence and Investigation Services Office sa Bureau of Customs (BOC), Gate 3, South Harbor, Brgy. 651, Port  Area, Manila

Ayon sa salaysay ni Jovan Lugtu, 47, balo, at kasamahan ni Mangili, nagsasagawa siya ng interview at si Mangili kay Cauceran nang magpaalam ito na pupunta sa comfort room.

Sa hindi pa malamang kadahilanan, nagbunot umano ng baril ang biktima ngunit mas mabilis umaksyon si Mangili na binaril si Caunceran.

Dali-dali nilang pinagtulungang dalhin sa nasabing pagamutan si Cauceran ngunit idineklarang dead on arrival.

Mabilis namang nagrespondeang mga tauhan ni Lt. Aguila at ang mga operatiba ng SOCO at nakuha sa crime scene ng isang caliber 45 1911 Remington, isang caliber .45 na kargado ng bala sa magazine; isang 9MM na caliber  pistol, magazine at apat na bala.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. (RENE CRISOSTOMO)

229

Related posts

Leave a Comment