LEYTE – PATAY ang isang pulis makaraang dikitan ng Sports utility vehicle habang minamaneho ang motorsiklo saka pinagbabaril noong Biyernes ng umaga sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktimang si Patrolman Ramil Aruelo, nakatalaga sa Bato Leyte Police Station, at residente sa bayan ng Hilongos, Leyte.
Batay sa report ng pulisya, dakong alas-7:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Barangay Lunang, Hilongos Leyte.
Lumabas sa imbestigasyon, pauwi na ang biktima galing sa kanyang trabaho nang bigla siyang dikitan ng naturang sasakyan at pinagbabaril.
Nagpapatuloy ang follow-up operation ng mga awtoridad para sa ikadarakip at pagkakakilanlan ng mga suspek na mabilis tumakas matapos ang pamamaril. (ANNIE PINEDA)
