QC GAGAWING ‘MOST BIKE-FRIENDLY CITY’

MAGIGING “most bike-friendly city” sa Metro Manila ang Quezon City kapag nanalong mayor si Anakalusugan Party-list Congressman at mayoralty candidate Mike Defensor.

“We envision the city having the best system of bicycle lanes and parking services integrated with commuter hubs such as light rail transit terminals,” ayon sa mambabatas.

Ginawa ni Defensor ang pahayag matapos ihain ang House Bill 10396 sa agresibong cycling development plan dahil marami nang parami ang nagbibisikleta dahil sa pagtaas ng presyo ng langis.

Bukod dito, umiiwas din aniya ang mga tao na makipagsiksikan sa mga public transport kaya nagbibisikleta na lamang ang mga ito kaya dapat aniyang magtayo ng mas marami pang bike lanes, hindi lamang sa Metro Manila kundi sa mga probinsya.

“We want the Department of Transportation and the Department of Public Works and Highways to work together in creating a safe and seamless travel environment for bicycle riders,” ayon sa mambabatas sa kanyang panukala.

Base sa nasabing panukala, inatasan ang dalawang nabanggit na ahensya na magtulungan para sa disenyo at konstruksyon ng bike lanes sa mga pangunahing kalsada.

Kailangan ding aniyang pagtulungan ng DOTr at DPWH na tiyakin ang kaligtasan ng bikers para lalong dumami pa ang magbibisikleta na maganda rin aniya sa kalusugan ng mga tao.

Kapag naging ganap na batas ito, lahat din ng public places, government offices, schools, major business establishments kasama ang malls, bangko, restaurants, hospitals at iba pa ay kailangang maglagay bicycle parking racks. (BERNARD TAGUINOD)

156

Related posts

Leave a Comment