RAPE SUSPECT SA SAMAR, ARESTADO SA IMUS

HINDI na nagawang makapagtago ng mahabang panahon ang isang 62-anyos na caretaker makaraang matunton ng mga operatiba ng Manila Police District sa Imus, Cavite noong Sabado ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Nerio Afable y Longcop, may asawa, farm taker, tubong Brgy. San Mateo, Borongan City, Eastern Samar at residente ng Sitio Polo, Barangay Anabu 2-C, Imus, Cavite.

Si Afable ay top 2 most wanted person provincial level sa Borongan, Eastern Samar dahil sa panggagahasa sa kapitbahay nito sa Barangay San Mateo sa nabanggit na bayan.

Batay sa ulat ng MPD- Station 10, halos isang taong nagtago si Afable, matapos nitong pagsamantalahan ang isang babae.

Una umanong nagtago ang suspek sa bahay ng kapatid nito sa Parañaque City at kalaunan ay bumalik sa kanyang bahay sa Imus, Cavite at naging caretaker sa isang lupain doon.

Gayunman, dahil sa pagsisikap na matunton ang suspek, nagtungo sa MPD-Station 10 ang mga tauhan ng Borongan, Eastern Samar sa pamumuno ni P/Lt. Col. Romeo Santander.

Nang makumpirma ang kinaroroonan ni Afable, bandang alas-4:30 ng hapon ay inaresto ang suspek makaraang iutos ni P/Lt. Col. Dennis Rodriguez, commander ng MPD-Station 10, sa kanyang mga tauhan, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Elvie Picardo Lim ng Regional Trial Court, Branch 1 sa Borongan, Eastern Samar.

Walang inirekomendang piyansa sa kaso ni Afable na top 2 most wanted person sa Visayas. (RENE CRISOSTOMO)

92

Related posts

Leave a Comment