NAGPOSITIBO sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao 1st District Congressman Paolo “Polong” Duterte.
Kinumpirma ni Davao City Mayor Sara Duterte sa mga mamamahayag na tinamaan ng COVID-19 ang kapatid subalit hindi na ito nagbigay ng karagdagang detalye.
“Cong. Paolo Duterte is confirmed COVID-19 positive. I do not have other details,” ani Mayor Sara.
Si Rep. Duterte ay chairman ng House committee on accounts na siyang nangangasiwa sa pondo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ang panganay na anak ni Pangulong Duterte ang ikalawa sa First Family na tinamaan ng COVID-19 dahil noong Hulyo 21 ay nagpositibo sa nasabing virus si Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte. (BERNARD TAGUINOD)
