REP. PIMENTEL: ‘MALING PAGBANTAAN NG PECO ANG SC’

KAHIT kailan, maling pagbantaan ang Supreme Court (SC) ng kahit kaninong business establishment, o kahit sinong abogado.

Ang tama ay patunayan sa SC ng mga abogado ng mga negosyante na tama ang huli kumpara sa kalaban nito.

Nabanggit ko ito dahil sa napabalitang pahayag ng kampo ng Panay Electric Company (PECO) na magiging “bad precedent” sa pagnenegosyo sa bansa kung ang magiging desisyon ng

pinakamataas na hukuman hinggil sa away ng dalawang distribution utilities (DUs) sa Lungsod ng Iloilo City ay kakampi sa More Electric and Power Corporation (More Power).

Ibig sabihin, kapag kinatigan ng pinakamataas na korte ang PECO laban sa More Power ay siyang wasto.
Pokaragat na ‘yan!

Ang pananaw ni Deputy Speaker Johnny Pimentel ay walang basehan ang pananaw ni PECO lead counsel, Atty. ­Estrella Elamparo, na kung pabor ang mataas na korte sa More Power ay bibigyan nito ng lehitimasyon ang “hostile take-over” ng mga kumpanya mula sa ibang ­kumpanya nang walang maipakitang ebidensiya ng kakayahan, expertise, o history, sa pinapasok na industriya.

Sabi ni Surigao del Sur Rep. Pimentel, totoong matagal na supplier ng kuryente ang PECO sa Iloilo City, ngunit hindi totoong hostile take-over ang pagpasok ng More Power sa Iloilo City dahil nakabatay ito sa prangkisang ipinasa at ibinigay ng Kongreso sa More Power.

Natuldukan ang napakatagal na pagnenegosyo ng PECO dahil inayawan ito ng mga konsyumer dahil sa palpak na sistema ng ­elektrisidad.

“The opinion of PECO is self-serving because they still want to operate the electric utility, but the truth of the matter is that it is the consumers who have been clamoring for another utility company because for several decades PECO has a very poor service and they have several pending cases because of complaints from the customers,” paliwanag ni Pimentel.

Igiit ni Pimentel na nakita ng mga kongresista ang makapal na mga reklamo ng mga konsyumer laban sa PECO na siyang naging basehan, kaya tinanggalan ito ng legislative franchise.

“I was always present ­during the hearings of the renewal of their franchise and I have ­thorough knowledge of their poor performance and several violations with the Energy Regulatory Commission (ERC)” dagdag pa ng mambabatas.

Nanindigan si Pimentel na hindi magiging masama sa pagnenegosyo sa bansa kung aalisin ang mga kumpanya na hindi naman maganda ang serbisyong ibinibigay sa publiko.
“I think the people deserve a better utility company than PECO [that] can really serve the needs of the people,” ratsada ni Pimentel.

Umaasa si Pimentel na igagalang at kikilalanin ng SC ang naging desisyon ng Kongreso na ibigay ang legislative franchise sa karapat-dapat na kumpanya dahil trabaho at tungkulin naman ito ng lehislaturang sangay ng ­burukrasya.

“We cannot preempt the decision of the Supreme Court, but in my opinion just like in the case of ABS-CBN, the high court will rule in favor of More Power because its already moot and academic because PECO does not have a franchise to operate anymore,” paliwanag ni Pimentel.

Kung sakaling maging baliktad ang desisyon ng SC at pumabor sa PECO ay hindi rin ito masasabing tagumpay para sa kumpanya dahil hindi rin sila makakapag-operate dahil sa kawalan ng prangkisa.

“The House of Representatives already denied the franchise including their request for reconsideration so even if they win the case how can they operate if they do not have a franchise however the franchise of More Power was approved,” dagdag paliwanag ni Pimentel.

Nang tanggalan ng Kongreso ng prangkisa ang PECO, nagtungo ito sa Mandaluyong City Regional Trial Court (RTC) Branch 29 kung saan nakakuha ito ng paporableng desisyon.
Idineklara ni Mandaluyong RTC Branch 29 Judge Monique Ignacio na “unconstitutional” ang Seksiyon 10 at Seksiyon 7 ng Republic Act 11212 na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte na

nagbibigay ng prangkisa at eminent domain sa More Power.

Ipinatigil ng SC ang pagpapatupad sa desisyon ni Judge Ignacio.

Nagpalabas ang mataas na korte ng Temporary Restraining Order (TRO) pabor sa More Power.

Inapela ng PECO sa SC ang naging pasya nito at hiniling na bawiin ang inilabas na TRO.

Ang nasabing mosyon ng PECO ang siyang nakatakdang desisyunan ng SC ngayong ­Setyembre 8.

129

Related posts

Leave a Comment