BIGYANG daan po natin sa kolum na ito ang kahilingan ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Riyadh, Saudi Arabia na kinilalang si Mylin Napile Gosgolan, 34-anyos, na gusto nang makauwi sa Pilipinas.
Narito po ang kanyang liham na naka-address sa POEA.
To: poea_repat@yahoo.com
Cc: rad@owwa.gov.ph
For Request Repatriation
Honorable Ma’am/Sir,
I would like to seek your attention to my plight/complaint.
Name of OFW: Mylin Napile Gosgolan, Age:34; Country: Riyadh, Saudi Arabia; Passport no: P9167381A; Date deployed: December 16, 2018; Contact no: 0556831447; Current address: Hittin Alhadaa Alriyadh
Name of Recruitment agency: Eurasia Quest Inc.; Address: R402 4F Femii bldg., A. Soriano Avenue Intramuros, Manila; Contact no: 5223866/5240575; Name of FRA Agency: Alherabi Recruitment Office;
Address: Alqaseem-Unaizah Al Rayan Street; Contact no: 0163646000;
NOK: or Nexts of Kin: Motawaie Abdullah Mohamed Altowirki; Address: Hittin Alhadaa Alriyadh; Contact no: 0505944264
Complaint:
September 2020 namatay po mama ko, nagpaalam po akong umuwi pero ‘di sila pumayag. December end of contract ko, sabi ko po uwi na ako ang sabi nila mahal daw po ang ticket. Sabi po nila, May na lang daw po, pagkatapos Ramadan, then noong May po, sabi nila ‘di daw po ako makakauwi dahil sa pandemic then sabi ulit nila June 19 daw, pero ang usapan po namin babalik ako sa kanila.
June 19 po punta ako ng airport kasama anak nila, pagdating po sa airport ‘di po ako naka-check in kasi ang sabi po dun, may ticket is not confirmed. Tinawagan po ng anak nilang lalake ang call center ng Qatar Airways, ang sabi po, pinalitan daw po ang date ng flight ko, naging June 22.
Noong June 22 bumalik po ulit kami ng anak nila sa airport hoping na makakasakay na ako, pero nang mag-check in na po again, ang sabi, my ticket is not confirmed, may problem daw po sa ticket ko. Tinawagan ko po mga amo ko kasi nasa Taif po sila that time, ang sabi po sa akin, cancel daw po ang flight ko. Almost one month po sila wala sa bahay, halos wala din po ako makain that time.
Then sumunod po kami ng mga anak nila sa Taif, ang sabi po sa akin baka daw po dun na ako mag-flight. Every time na magtatanong po ako if may booking tickets na ako, ang sagot po sa akin wala daw po available, fully book, if gusto ko daw, ako daw mag-book. Ang sagot naman po sa akin ng asawa n’ya, sobrang mahal daw po ng ticket.
Nakiusap po ako sa kanila na pauwiin na nila ako kasi mga anak ko lagi nagkakasakit. Bunso ko po, 3-years old. First week po ng August, sinabi po sa akin na may ticket na ako, Riyadh to Malaysia then Philippines, August 26 daw po.
Ngayon po, August 16, sinabi po sa akin amo ko, na-cancel daw po ang flight ko, Malaysia to Philippines. Kung mag-flight daw ako Riyadh to Malaysia, sabi po nila sa akin, ask ko daw family ko kung paano daw po ako makakauwi ng Pinas galing Malaysia. Noon palang po sinabi ko na sa kanila na ban ang Malaysia sa Pinas pero yun pa rin po ang kinuha nila.
Please po, sana po matulungan n’yo po ako, gustong-gusto ko na po umuwi. Malapit na po akong mag-3 years sa kanila.
‘Di ko na po alam gagawin ko. ‘Di ko alam kong nagsasabi ba ng totoo mga amo ko or panay sinungaling lang sila, parang awa n’yo na po please po gusto ko na po umuwi.
Your immediate response and action is highly appreciated.
Your’s Truly, Mylin N. Gosgolan
Name of NOK: Motawaie Abdullah Mohamed altowirki
Contact no.0505944264
***
Sana po ay matugunan ng POEA ang kahilingang ito ni Miss. Gosgolan.
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa akin sa email address saksi.ngayon@gmail.com o drchieumandap@yahoo.com.
