REQUEST NA HIGH-SPEED INTERNET NAGRESULTA SA PAGKADISKUBRE NG POGO SA CEBU

BUNSOD ng hindi pangkaraniwang hiling para sa high-speed internet para sa isang maliit na resort, nadiskubre ng mga awtoridad sa bayan ng Moalboal, South West Cebu, ang posibleng ilegal na Philippine Offshore Gaming Operation (POGO).

Noong Miyerkoles, Oktubre 9, sinalakay ng pulisya sa Moalboal ang isang maliit na resort sa Brgy. Saavedra kung saan naaresto nila ang 38 undocumented Chinese nationals na umano’y sangkot sa mga aktibidad ng POGO.

Kinumpirma ni Moalboal Mayor Inocentes Cabaron, nagsimula ang operasyon mula sa tip ng isang concerned citizen, na nagsabing ang mga turista na matagal nang nananatili sa Happy Bear Villa resort sa Brgy. Saavedra ay biglang humiling na maglagay ng high-speed internet doon.

Sa isang teleconference kasama ang mga mamamahayag noong Huwebes, sinabi ni Mayor Inocentes Cabaron, ang kahilingang na high-speed internet ang nagtulak sa lokal na pamahalaan at pulisya na magsagawa ng karagdagang imbestigasyon.

Humiling ito sa Bureau of Fire Protection (BFP) na magsagawa ng fire inspection sa nasabing establisyemento at sa Municipal Planning and Development Office at ipinaabot nila sa Moalboal Police Station ang kanilang natuklasan.

Ayon kay Cabaron, aktibong mino-monitor ng pamahalaang lokal at mga tagapagpatupad ng batas sa kanilang bayan ang posibleng mga POGO hub matapos ang raid sa Lapu-Lapu City, Mactan noong Setyembre.

Sa katunayan aniya, naglabas si Mayor Cabaron ng Executive Order (EO) No. 19 noong Setyembre 20, 2024, na nag-uutos sa lahat ng mga kapitan at opisyal ng barangay na mahigpit na bantayan ang kanilang mga nasasakupan para sa anomang posibleng POGO activities.

Ang Moalboal ay isang fourth-class municipality na matatagpuan humigit-kumulang 88 kilometro sa timog-kanluran ng Cebu City. (NILOU DEL CARMEN)

108

Related posts

Leave a Comment