RIDER NA-SANDWICH SA JEEP AT TRUCK

BATANGAS – Dead on the spot ang isang 27-anyos na motorcycle rider matapos na maipit ng nakasalpukang truck at kasunod na jeep sa Lipa City noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Jon Elcied Navoa, residente ng Barangay Bagong Pook, Lipa City.

Ayon sa report ng Lipa City Police, nangyari ang insidente sa Lipa-Cuenca Road sa Barangay Pinagtong-ulan dakong alas-7:20 ng gabi.

Batay sa imbestigasyon, nag-overtake ang biktima sa sinusundang jeep ngunit sumalpok ito sa kasalubong na forward drop truck.

Sa lakas ng impact, naitulak ng truck ang motorsiklo at ang biktima pabalik sa unahan ng nilagpasang jeep kung saan na-swak ang driver sa ilalim nito.

Grabeng napinsala sa ulo at katawan ang biktima na agad ikinamatay nito.

Inaresto naman ng mga pulis ang driver ng truck na si Melchor Borje, 49; at driver ng jeep na si Saturnino Magnaye, 61, na parehong sasampahan ng kaso. (NILOU DEL CARMEN)

178

Related posts

Leave a Comment